Si Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III ay isinilang noong ika-8 ng Pebrero taong 1960 sa Manila. Siya ay ang pangatlo at ang tanging lalaki sa limang supling nina Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac noon, at Corazon Aquino, ang kauna-unahang babaing naging presidente ng Pilipinas. Siya ay may apat na kapatid na babae, sina Maria Elena (Ballsy) Aquino-Cruz, Aurora Corazon (Pinky) Aquino-Abellada, Victoria Eliza (Viel) Aquino-Dee, at Kristina Bernadette Aquino-Yap (Kris).
Noong 1965 hanggang 1981, siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila Universtity mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong 1981, si Noynoy ay nagtapos sa Ateneo de Manila University ng Bachelor’s Degree in Economics. Pagkatapos noon, sinamahan niya ang kanyang pamilya sa Newton, Massachusetts upang lumayo sa magulong pamamahala sa Pilipinas ng regimeng Marcos.
Noong 1983, pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Estados Unidos, bumalik si Noynoy sa Pilipinas kasama ng kanyang pamilya kasunod ng asasinasyon sa kanyang amang si Ninoy noong Augusto 21, 1983. Nagkaroon siya ng maiksing panunungkulan at miyembro ng Philippine Business for Social Progress, bilang assistant of the executive director of PBSP. Pagkatapos noon, siya ay naging assistant Retail Sales Supervisor sa Mondragon Industries Philippines, Inc at Assistant Promotions Manager ng Nike Philippines, Inc.
Mula 1986 hanggang 1992, habang presidente ng Pilipinas ang kanyang inang si Cory Aquino, si Noynoy ay naging bise president ng Intra-Strata Assurance Corporation, kumpanya ng kanyang tiyuhing si Antolin Oreta Jr.
Noong Augusto 28, 1987, na ikalabing-walong buwang panunungkulan ng dating pangulong si Corazon Aquino, si Noynoy ay nabaril sa gitna ng bigong rebelyon sa Malacañang Palace na pinamunuan ni Gregorio Honasan. Tatlo sa kanyang apat na tauhan ang namatay at isa ang sugatan sa pagliligtas sa kanya. Limang bala ang tumama kay Noynoy, at isa roon ay nakatatak pa sa kanyang leeg.
Noong 1993 hanggang 1998, nagtrabaho si Noynoy sa Central Azucarera de Tarlac, na pag-aari ng kanyang pamilya-Cojuangco sa Hacienda Luisita bilang assistant for administration mula 1993 hanggang 1996, pagkatapos noon siya ay naging manager for field services mula 1996 hanggang 1998.
Kasunod ng pagkamatay ng kanyang inang si dating presedente Corazon Aquino noong Augusto 1, 2009, maraming Pilipino ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang president. At noong Septembre 9 taong ding iyon, inanunsiyo ni Noynoy na siya’t tatakbo bilang pangulo sa halalang 2010, na nangyari noong May 10, 2010.
Dahil maraming Pilipino ang naniniwala at nagmamahal sa kanya, siya ay nanalong presidente at iprinoklama noong June 9, 2010 ng Kongreso ng Pilipinas.
Noong Hunyo 30, 2010, siya ay nanumpa bilang ika-15th presidente ng Pilipinas, sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, kapalit ni Gloria Macapagal Arroyo.
Siya ay mas kilala ngayon bilang Noynoy Aquino o PNoy (maiksing pantawag katumbas ng “President Noynoy). Si Noynoy ay ikaapat sa kanyang henerasyon na pumasok bilang politico; and kanyang ninunong si Servillano “Mianong” Aquino ay naging delegado ng Kongreso ng Malolos, ang kanyang lolo na si Benigno Aquino, Sr. ay nanungkulan mula 1919 hanggang 1944 sa lehislatibong posisyon at ang kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino, Jr. at Corazon Aquino ay naging myembro ng Partido Liberal.
--biography translated in Tagalog by Fehl Dungo
ang galing nya naman hanga na ako sa kanya hindi ako naka nood ng sona nakakainis po
ReplyDeleteHey
DeleteOO nga eh :)
Deletehindi kompleto ang biography ni PNOY, wala siyang political career na nabanggit. thanks
ReplyDeletesana dagdagan pa ang pagsulat tungkol sa talambuhay ni PNOY
ReplyDeleteTnks
ReplyDeleteMAGALING NA PRESIDENTE AT SANA MAPA TIGIL NA NIYA ANG karahasan dulot ng mga rebelde
ReplyDeletethanks
ReplyDeleteang haba naman meron bang maitsi????
ReplyDeleteThank you for this info. :) This site help me for my assignment in filipino! Thank you!!! <3
ReplyDeleteSalamat po dito, dahil nasagutan ko ang aking takdang aralin sa filipino. Kelangan kasi ng maikling impomasyon para sa pangulo ng bansa. At ito lang ang napili ko na naka-tulong po sa akin, maraming salamat po muli!!! :)
ReplyDeleteang galing talaga niya noh
ReplyDeleteASSIGNMENT
ReplyDeleteProject ko yan
ReplyDeleteMeron po ba kyong nagawa ni pnoy sa pil.
ReplyDelete