Talambuhay ni Manny Pacquiao

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baitang pa lamang dahil nalaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-Onding and Domingo Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra Pacquiao-Paglinawan, Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao.

Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee” an biniyayaan ng apat na supling: sina Jimuel, Michael, Princess, at Queen Elizabeth. Si Manny at ang kanyang pamilya ay nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato, Philippines. Subalit sa kasalukuyan, dahil si Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito sa Sarangani, tumutuloy siya ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee.




Si Manny Pacquiao ay isang relihiyoso at tapat na Katoliko. Siya ay kilalang masugid na deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila. Sa katunayan, palagi siyang nagsisimba, nagdadasal at nag-aalay ng pasalamat sa misa sa Mass in Minor Basilica sa nasabing simbahan sa Quiapo lalo na pagkatapos ng matagumpay na laban mula abroad.

Si Manny Pacquiao ay pinagkalooban ng ispesyal na ranggo bilang Sergeant Major for the 15th Ready Reserve Division of the Philippine Army. Sa kanyang kabataan, pangarap na niyang maging isang sundalo. Sa katunayan, siya ay naging Army Private noon.

Nakatapos si Manny Pacquiao ng elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City subalit hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang highschool dahil sa kahirapan sa buhay. Sa edad na 14, iniwan niya ang kanyang pamilya para makipagsapalaran.

Dahil sa galing at talino, kumuha siya ng high school equivalency exam, isang kwalipikasyon para makapag-college siya, noong Pebrero 2007, naipasa niya ang nasabing exam at siya ay ipinagkalooban ng Department of Education ng highschool diploma. Pagkatapos noon, siya ay nag-enrol ng colegio sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City at kumuha ng kursong Business Management.

Si Manny Pacquiao ay nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang career sa boksing. Isa siya sa Forbes The Celebrity 100 ngayong 2010, Time 100 Most Influential People noong 2009 at naging cover pa ng Time Asia Magazine noong 2009.

--biography translated in Tagalog by Fehl Dungo

4 comments:

  1. Sayang at iniwan niya ang kanyang kinagisnang relihiyon nang dahil dito ay parang binalewala niya ang kanyang pagiging deboto ng black nazarene at parang binawi na rin niya ang kanyang taos pusong pasasalamat sa nazarene. Seguro isa ito sa mga dahilan kung bakit sunodsunod ang kansang kamalasan magmula noong nagibang bakod na siya.

    ReplyDelete
  2. Yes .. Thanks Sa Gumawa Kumpleto Na Assignment Ko :) !

    ReplyDelete
  3. Doreen d. pabonitaJune 30, 2014 at 6:04 PM

    Hindi kasi nabanggit kung saan siya gumradweyt ng Highskul. Para malaman nyo po, siya ay nag-enrol sa Alternative Learning System o ALS,. Itinuturing din siyang ambasador nito.

    ReplyDelete
  4. good for manny born again na sya...

    ReplyDelete