Showing posts with label noynoy aquino. Show all posts
Showing posts with label noynoy aquino. Show all posts

Talambuhay ni Noynoy Aquino

Si Benigno “Noynoy” Simeon Cojuangco Aquino III ay isinilang noong ika-8 ng Pebrero taong 1960 sa Manila. Siya ay ang pangatlo at ang tanging lalaki sa limang supling nina Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac noon, at Corazon Aquino, ang kauna-unahang babaing naging presidente ng Pilipinas. Siya ay may apat na kapatid na babae, sina Maria Elena (Ballsy) Aquino-Cruz, Aurora Corazon (Pinky) Aquino-Abellada, Victoria Eliza (Viel) Aquino-Dee, at Kristina Bernadette Aquino-Yap (Kris).

Noong 1965 hanggang 1981, siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila Universtity mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong 1981, si Noynoy ay nagtapos sa Ateneo de Manila University ng Bachelor’s Degree in Economics. Pagkatapos noon, sinamahan niya ang kanyang pamilya sa Newton, Massachusetts upang lumayo sa magulong pamamahala sa Pilipinas ng regimeng Marcos.